Monday, July 25, 2005

Dugtungan tayo ep 2...

During class especially that of LA 26..walang magawa ang buong klase so what else is ther to do but to make a dugtungan........our own thoughts intertwined into a senseless parable of twists and turns.........


Ako'y napatingala sa mga butiking may ginagawang himala :-} tapos ako'y tumingin at nagulat sa aking nakita, sila pala'y mga diwata ngunit sa isang dako'y nagulat at sinabi ko'y

"Aba! May bakokang si MARIA!"

Pumunta ako sa simbahan upang ipagdasal ang mga kaluluwang kawawa, naluha ako at nahabag nang matuklasan kong isa pala siyang dukha at nagulantang ako dahil siya'y isang multong bakla.

Subalit sa isang kuwarto, nanginginig ang bawat pintuan. umuugong ang mga higaan, parating na...parating na.....

ayan na si JELLY!

kiririririiiing! uy tumutunog ang kampanang dambuhala't ginto, tila nagpapahiwatig ng pagdating niya. Sabi ng katulong, "halina't magpugay sapagkat andito na ang pinakamagandang hayop este tao sa mars!"

"ngek, ngek, ek, ek, ek. aah......."
MARS ATTACKS!

at nagsitakbuhan ang mga tao! palayo ng palayo dahil naglabas siya ng isang nakamamatay at makalaglag panty na dambuhalang peanut-butter mustard flavored jelly-ace!

eeeewwwwwwwwww..

well anyway, lumabas ang kaisa-isang pagasa ng ating mundo....si BABY BRUNO! paborito niya kasi ang Chorizo..na may suka..saka quek-quek na may catsup(btw no marmoring)kya lang alam ng mga taong taga mars ang weakness ni baby bruno - sisig na may mayo!

AAAAAAAAAAAAAaarghhhhhhhhh...

kaya natalo si baby bruno nang ihagis siya ni jelly sa kumukulong sisig with mayo. at muling nabalik ang katahimikan sa mundo ( thanks to Jelly!)

The END..

teka......bakit nabaligtad ang kuwento?? abangan ang susunod na kabanata...

No comments: